Nakarating nga ng Maynila. Malas Pa Rin.
Parang namiss niyo ako? kaya napablog ako to…night.. haha (kanina kasi day pa) ngaun, night na. i mean, ganun na ko katagal d2 sa harap ng pc, ndi pa ko nakakapagsulat. 4hours, 53mins. ganun katagal. kung hindi pa ko naduduling duling na d2, baka hindi pa ko magsulat! haha anyway, eto nga. magsusulat na ko. alam ko naman kamalasan ko lang ang habol nyo sakin.
Grabeh. April pa ko huling nagpost sa blog ko. Sabi ni Seph kanina, “OMG!! kaya pala ndi ka makapag post-post.. kasi ang malas ng huling post mo. #13.”
sooo.. more than 2 months narin pala ako dito sa manila ang so far, lampas na sa mga daliri mo sa kamay at paa ang dami ng beses na minalas ako at syempre kasama dun ung mga kasama ko sa bahay, hindi sila nakaligtas. Simulan natin sa pagdating namin ni mon dito sa manila.
First night namin sa Sampaloc, Manila. Nakataxi, kami ni Mon. dala ang mga maleta at kung anu-ano pang mga kagamitan. ulit. NAKATAXI kami. (baka kasi hindi mo napansin.) Naligaw kami. Hindi namin alam kung san ung Main Street. Kung san napaparoon ung bahay na titirhan namin. Ang sabi naman kasi ni Seph, malapit sa Legarda LRT Station 2. O, lumampas na kami sa LRT Station, wala parin kaming nakikitang Main Street. So inantay muna namin na sagutin ni seph ung panLIMANG tawag ko. Sumagot naman xa, at sinabing malayo na raw ung Jollibee, kung san kami nakatambay. Nagforward kami ng dahan2, nakataxi parin. napalingon si mon sa kanan.. BOOM! andun ung Main Street oo. ganyan xa kaliit. Main Street OPPOSITE NA OPPOSITE SA PANGALAN NYA!
After one week.. yehei! dumating na sina Cece, Liza at ate Jen. daldalan dito, daldalan doon. May dala silang Adobo. “Oh my gosh!! LUTONG BAHAAYYYY!! huhu antagal na naming nagkecrave nyan” -yan ang linya ko. may dala din silang daing. yehei. ndi na kami magfafast food!! weeeh natulog na kami. gabi na eh. alangan. 5AM WANG WANG WANG WANG. Mama sa kalsada: “Sunooog! May Sunooog!” Doorbell: tweet tweeet tweeet tweeet.. tweeet tweeet tweet tweeet. (wag kang tumawa! ganun talaga sound nya. pang ibon!) Lola Gets (ang land lady namin): baba naaah! baba naah!
wala pa kami sa ulirat, ndi na namin alam ang gagawin. si cece nag empake ng mga gamit. ginaya namin xa. after 7mins, nakababa na kaming pito sa kalsada. bitbit mga maleta namin. take note: maleta ko 15 kilos at 3 bags na hand carry. nabitbit ko un ng sabay2 pababa sa hagdan na kala mo straight at makipot.
after 12 days, lumipat na kami ng bahay. haha condo. may aircon. may mesa. may ref. 2 rooms. oha. dba bongga! after ilang days, may isang papansing asungot na naging stalker ko! grabeh. hindi ako makalabas ng kwarto, ng bahay. kasi any moment, bigla xang nag aappear! grabeh. swear. akala ko katapusan ko na. :-S at isang gabi, hinatid ako ni BES joy at BES teb sa bahay. andun ung asungot sa tindahan. naka abang nanaman. as in sinigawan pa ko, nagpapansin. waaah. anlala talaga nun. maulan pa un ah! napahug ako ng wala sa oras kina bes. pero in fairness, after nun at nung isang balik pa ni bes, hindi na nya ako ginulo. mukang aswang talaga si teb! ahahah
meh thursday pang napatakbo si ate jen sa CR ng EW para alam mo na. sakit ng tyan nya. sabi ko YUUUCCCKKK!!! pag uwi ko, 3x ako sumakit ang tyan. siyet! pero okay lang. atleast nasa bahay na… haha nag st.jude kami,..
kasi nga thursday. after nun, nag ever sina cece. at si cece, sumakit din ang tyan! hulaan mo san xa inabutan? oo! doon! sa EVER Gotesco Mall! mwahhaha
after 3weeks. bumagyo. bagyong ondoy. congratulations! hindi kami prepared. wala kaming food for 26 hours. tubig inumin, tubug panligo at kuryente. hindi kami makaalis kasi baha. si ate jen, hindi natiis na walang pera. lumusong sa baha para mag clain ng pera padala. hanggang hita ang baha. ang presyo? sarado ung pawnshop! haha si leng. nastranded sa review center nya for 24 hours. same situation samin. haaay
-globe ako dba? well, may smart din. nag paload ako 40. tapos niloadan din ako ni te pril, 40 plus share a load na 2. ang swerte dba?? weeeh natulog ako nung gabi 82.30 pesos ang load, plus 30+ na free txt. weeeeh! pag kagising ko, 2.30 nlng load ko. hindi ako makatawag sa GT Customer Service. Sa sobrang bwiset ko, at dahil narin sa may txtm8-daw-ohhh na binigay si te nadz sakin, (haha, i know. how old school. and quit that thought, i never meant anything ridiculous about it. o yan ka nanaman. wala nga kong sinabing masama eh! :-P) napabili ako ng sim na globe ke ate jen at bez, plus 100 na card sa globe. xempre, bagong sweldo eh, (na by the way, muntik na kong kabahan kasi late ng 1day ung sweldo ko, eh muntik din kami maabutan ng overdue sa kuryente!). pag uwi nila, aba bago na # ko. ganda. daling tandaan. tapos nagcheck op na ko, ubos na free txt eh. so, kampanteee… haha may card! duh! handa ka na? binuksan ko na ung card. excited ako eh! niscratch ko. habang niiiscratch ko, napansin kong walang pin code ung #s. tiningan ko sa harap ung card, globe naman! GLOBE IDD TIPID CARD! anak ng tinapang sinampal sa kalbong unggoy! kapag inabutan ka nga naman ng kamalasan! lahat nlng ng gawin mo, mali na nga, nakakainis pa! (HOY! hindi ako nagalit sa bumili ng card. kasi nga, umpisa palang ng BLOG ko, inamin ko nang malas ako.) at salamat naman at hindi pa rin ako binibigo ng kamalasan. sinudundan parin ako hanggang d2!! whheheeeeeewww!!
-nagsimba kami kahapon. sunday. kung hindi ka malas na katulad ko, hindi ka aabutin ng 6pm kakaantay kay cece na matapos maglaba bago ka makaligo. eh 5pm ang usapan ng 4 other housemates na magsimba. cute noh? pagdating sa simbahan, ang cute. late kami. hehe tapos nung pauwi na, anlakas talaga ng hangin dahil ke BAGYONG PEPENG. o yan, hawak ko ung payong ko, at kung hindi ka katulad kong _ _ _ _ _, hindi ka hahanginan ng hangin ng malakas tapos hindi rin tatama sa ulo mo ung rod ng payong na hawak mo at hindi ka mauuntog. yey
-kanina. pag uwi namin ni seph. nauna kami umuwi kesa dun sa 4. si cece at liz sumunod. tapos ung runner namin na sina leng at ate jen.. aun.. nag run! ahha ndi kami agad nakapag luto. mga 2pm na ata. at eto ngaun. sa kaswerte swertihan naman. sasara pa ata ng 100 pesos babayaran ko sa internet. karapatdapat ba akong iclap2? haha
-marami pa sana akong kwento. mild lang, pero kung makakainspire ba nmn sau para isiping maswerte ka paring nilalang dahil hindi mo ako kasing malas, sa susunod ko nalang ikukwento. eto ang keywords ko, baka kasi makalimutan ko eh.
-magsasaka look sa Quiapo.
-habulan sa intramuros.
-paglalakbay sa Makati.
-pagsuka sa SM North
-ang goodbye crush napunta ke… haha
-nagkaroon ng bagong crush, ikakasal na pala.
-hindi na natuto, nagkacrush ulit, mas malala! may pamilya na pala.
-nagtxtmate ng tahimik.
-nagtxtmate ng maingay.
-nagtxtmate ng bigo sa pag ibig.
-nagtxt xa.
-nung mawalan ng tubig si seph. pero nakarating patin sa trinoma.
-nung manakawan ng bag sa PRC.
ayan. nacurious ka? next time nalang ulit! haha mwaaaah
